Advertisers

Advertisers

Hiwalayan ng magdyowa, nauwi sa patayan

0 675

Advertisers

NAUWI sa patayan ang hiwalayan ng magkasintahan sa Cagayan de Oro City.
Sabog ang mukha ng isang babae nang barilin ng kanyang live-in partner, na nagbaril din sa ulo nang hindi nito matanggap ang kanyang pakikipaghiwalay.
Kinilala ang mga namatay na sina Mary Joy Amper, isang overseas worker; at Brecio Sayson, security guard, kapwa nasa hustong at nakatira sa Agora, Brgy. Lapasan, Agora ng lungsod na ito.
Sa report, umaga ng Oktubre 7 nang magkaroon ng pagtatalo ang mag-live-in partner dahil nais nang makipaghiwalay ni Amper kay Brecio.
Hindi umano matanggap ni Sayson na iiwanan na siya ng minamahal kaya kinuha ang kanyang cal. 38 revolver at binaril sa mukha ang babae.
Habang duguang nakahandusay sa sahig si Amper, itinutok naman ni Brecio ang baril sa kanyang ulo at pinasabog ito.
Sinasabing simula nang dumating ang biktima galing sa ibang bansa, nag-iba na ito ng pakikitungo sa kinakasama.Dahil dito, palagi na silang nag-aaway hanggang sa magdesisyon ang babae na makipagkalas na.