Advertisers
“Patunay ng pagkakaisa laban sa korapsyon”
Ito ang pahayag ni Senador Bong Go kasabay ng pagpapasalamat sa tinawag niyang “Big Brother sa Senado” na si Senator Franklin Drilon dahil sa kahandaan nitong tumulong sa administrasyon para labanan ang korapsyon.
Sinabi ni Go na sinsero siyang nagpapasalamat kay Drilon sa pagtulong sa laban ng pamahalaan na mapuksa ang korapsyon sa mga ahensiya ng gobyerno.
Dati nang nananawagan ng pagkakaisa si Go, maging sa mga kritiko, para tulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanyang linisin ang pamahalaan mula sa mga tiwaling opisyal na imbes na magsilbi ay nagsasamantala sa pera ng taumbayan.
Una na ring binanggit ni Go na dismayado na si Pangulong Duterte sa mga natatanggap na report ukol sa patuloy na korapsyon at katiwalian sa mga ahensiya ng gobyerno kung saan marami nang nasibak sa puwesto. (PFT Team)