Advertisers
It’s so difficult to describe depression to someone who’s never been there, because it’s not sadness. I know sadness. Sadness is to cry and to feel. But it’s that cold absence of feeling—that really hollowed-out feeling. — J.J. Rowling of Harry Potter fame
BUKOD sa banta ng pandemya ng coronavirus sa halos lahat ng aspeto ng ating pamumuhay, ang depresyon ay mabigat ding suliranin para sa atin—lalo na sa gitna ng mga lockdown at health safety measure na kailangan nating sundin upang maiwasan ang pagkakasakit ng Covid-19 at mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na karamdaman na kumitil na sa maraming inosenteng buhay.
Mabigat na usapin ang depresyon dahil para sa ilang mga health expert, may epekto ito sa ating sakit, at ito ay sa paniniwalang ang karamihan ng problema natin sa kalusugan ay psychosomatic, o nagmumula sa sakit na pinalala ng isang mental factor tulad ng internal conflict o stress.
Ito marahil ang dahilan kung bakit kinitil ang sariling buhay ng multi-awarded Japanese actress YUKO TAKEUCHI, na natagpuang wala ng buhay sa kanyang tahanan sa Tokyo, ayon sa ulat ng ilang mga Japanese news source.
Batay sa report ng The Japan Times, nadiskubre ang bangkay ng 40-anyos na aktres na nagbigti sa loob ng kanyang silid ng isa sa kanyang kamag-anak at kinumpirma siyang patay sa isang lokal na ospital. Walang suicide note na natagpuan subalit dahil sa mga pangyayari ng kanyang pagpanaw, pinaniniwalaang nagpatiwakal siya dahil sa depresyon.
Bilang isang batikang aktres, napanalunan ni Takeuchi ang maraming best actress at best-supporting actress award para sa kanyang pagganap sa Hayabusa, 1,778 Stories of Me and My Wife at Golden Slumbers. Bumida rin siya bilang babaeng Japanese Sherlock sa produksyon ng Home Box Office (HBO) television drama na Miss Sherlock bukod sa pagganap sa 1998 horror film na Ringu.
Sa paggunita sa kanyang career sa pinilakang tabing, hindi makapaniwala ang karamihan sa kanyang pagpapakamatay at dahil na rin sa malaki pa ang posibilidad na sumikat pa siya dahil sa angking talent at kagandahan. Subalit dagliang naglaho ito dahil sa kanyang pagpanaw.
Gayunman, naglunsad ang Tokyo Metropolitan Police Department ng imbestigasyon sa kabila na ang mga ebidensya ay nagtuturo sa iisang konklusyon na si Takeuchi nga ay nag-harakiri.
Kaugnay ng hindi inaasahang pagkasawi ni Miss Takeuchi, maaalala natin kung bakit ang maraming mga Bombay sa sub-continent ng India ay nagpapatiwakal din dahil sa depresyong dala ng coronavirus health crisis—at ibilang na rin ang lumolobong bilang ng mga Thai at gayundin ang mga Pinoy na nahaharap sa financial downturn na naging sanhi ng pagbagsak ng ekonomiya sa Thailand at Pilipinas.
Nanawagan na ang Simbahang Katoliko sa ating pamahalaan para tugunan ang usapin subalit may pasaring na ang kaparian, bilang mga pastol ng kanilang kawan—ay kinakailangang maging mas sensitibo sa mga problema ng mananampalataya kaysa mga opisyal ng pamahalaan na abala na sa mga suliranin ng bansa at ng sambayanan.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!