Advertisers

Advertisers

Dating bilanggo nagsoli ng napulot na halos P1m halaga ng alahas

0 266

Advertisers

Camarines Norte – Binigyan ng pagkilala ni Camarines Norte PNP Provincial Director Col Marlon Tejada at Provincial Jail Administrator Insp Ramon Rafer ang dating bilanggo matapos magsauli at personal na iabot sa tunay na may-ari ng mga napulot niyang alahas na nagkakahalaga ng halos 1 milyong piso.
Ang ‘good samaritan’ ay si Ener B. Rojo, nasa hustong edad, residente ng Daet, Camarines Norte at kasalukuyang job order (JO) sa Kapitolyo.
Personal na iniabot ni Rojo ang mga alahas sa may-ari na nakilalang si Gng. Apolinario, kungsaan saksi rito ang mga naturang opisyal, na isinagawa sa Camp Wenceslao Q. Vinzons sa Barangay Dogongan.
Sa panayam ni JO1 Karen Kaye Acal-Elnar kay Rojo, sinabi ng dating bilanggo na mali sa batas [na pag-interesan] ang mga napulot nyang alahas.
Malaki, ani Elnar, ang tulong ng araw-araw na ginagawa ng mga bilangguan na ‘Therapeutical Community Modality Program’ na kungsaan ito ang naging gabay ni Rojo ngayong nasa labas na siya ng bilangguan.
“Natukso po talaga ako pero mali para sa batas, mali para sa tao,” ayon kay Rojo.
Dalawampung libong piso ang pabuyang ibinigay ng may-ari kay Rojo.(Arjay Ubana Vecino)