Advertisers

Advertisers

4 LOLA NAGKAKAPE PATAY SA ARARO NG PICK-UP!

0 547

Advertisers

NASAWI ang apat na lola habang nagkakape sa isang tindahan nang araruhin ng pick-up truck sa Jimalalud, Negros Oriental nitong Miyerkules.
Kinilala ang mga biktima na sina Lydia Garsula, 72; Milagros Garsula, 82; Herminigilda Gantalao, 76 ; at Remedios Gabillar, 76, mga residente ng Jimalalud
Naka-hospital arrest naman ang driver ng Isuzu pick-up truck na si Robert Go Lim, 62, ng Barangay Hilagang Poblacion, Jimalalud, na nagtamo ng minor injuries.
Sa report, 6:00 ng umaga ng Miyerkules, Oktubre 7, nang maganap ang aksidente sa gilid ng kalsada sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nag-overtake ang pick-up truck sa sinusundan nitong van ngunit nawalan ng kontrol ang driver hanggang sa dumiretso sa tindahan sa tabi ng daan kungsaan nagkakape ang mga senior citizen.
Dahil sa lakas ng pagkabangga, tumilapon pa sa kanal ang isang matanda habang kumalat sa outer lane ng highway ang tatlo.
Tumama ang pick-up sa malaking puno ng kahoy kaya hindi na ito dumiretso sa isang bahay.
Ayon sa pamilya ni Lim, handa silang akuin ang lahat ng gastos sa pagpapalibing sa mga biktima.
Nahaharap si Lim sa kasong ‘reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property’.