Advertisers
ARESTADO ang nakababatang kapatid ng rockstar na si Arnel Pineda sa anti-drug operation sa Quezon City, Martes ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina Rusmon Pineda, 51, may asawa at nagtatrabaho bilang chef; at Rojimar Frilles, 30, tanod ng Barangay Sacred Heart.
Sa ulat, nahuli ang dalawa sa kanto ng Scout Santiago at A. Roces Avenue sa Barangay Obrero 11:00 ng gabi.
Nakuha sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu na aabot ang halaga sa P136,000.
Ayon kay Police Capt. Na-zarino Emia ng QCPD Station 10, may suspek silang nahuli dati na nagsabing source ng droga si Pineda.
Sinabi ng tanod na si Pineda talaga ang nagbebenta ng droga at nakisakay lang ito sa kaniyang motorsiklo.
Kasalukuyang nakakulong sina Pineda at si Frilles sa Kamuning Police station habang inihahanda pa ang kaso laban sa kanila kaugnay ngpaglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Boy Celario)