Advertisers
PINASASAGOT ng Court of Appeals (CA) ang gobyerno hinggil sa pagkakadawit ng pangalan ni Leyte Rep. Vicente “Ching” Veloso sa kontrobersiya na narcolist.
Kasunod ito ng hindi pagtanggap ng CA sa argumento na ang pagbibigay ng records sa drug war investigations ay lalabag sa national security.
Sa 42 pahinang desisyon, inatasan ng Former Special Eight Division ng CA ang law enforcement agencies na maglabas ng impormasyon kaugnay ng pagkakasali sa pangalan ni Veloso sa mga pulitikong sangkot sa illegal drug trade.
Una rito ay binaliktad ng CA ang kanilang naunang desisyon na ibalik ang petisyon sa Office of the Ombudsman kung saan nakabinbin ang administrative complaint laban kay Veloso dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa illicit drug business.
Matatandaang, inalis ang pangalan ni Veloso sa isinapublikong narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 2019 sa Davao City.
Matapos nito ay nagpasaklolo si Veloso sa Supreme Court para ihirit na ilabas ang ebidensya na sangkot ito sa iligal na gawain. (Josephine Patricio)