Advertisers
Ni JOVI LLOZA
WALA namang preno na inamin ng actress-vlogger na si Ivana Alawi na never itong nagba-bra sa Ask Angelica ni Angelica Panganiban.
Feeling ng sexy-actress vlogger na mas lumalaki ang kanyang boobs kapag nagbra-bra at may padding.
Naka-simple swimsuit lang ito ay marami nang netizens ang naseseksihan sa kanyang alindog.
Pag-amin pa nito na may magdyodyowa nga raw nagkakahiwalay at mayroon namang kababaihan na hinahangaan ang kanyang women empowerment.
Pero kung siya ang tatanungin ay ayaw nitong nagbra-bra at feeling daw kasi nito ay mas lumalaki ang kanyang dibdib.
Ini-enjoy nito ngayon ang kanyang pagiging single matapos iwanan ng ilang naging dyowa.
Kung dati nga raw ay wala man lang siyang madama na confident at ngayon na pinasok nito ang pagiging actress sa showbiz at the same time ay vlogger at isa nga sa kanyang asset ay ang kanyang kaseksihan.
***
Caridad Sanchez kahit may dementia si John Lloyd Cruz ang hinahanap
KAHIT may dementia ang veteran actress na si Caridad Sanchez ay si John Lloyd Cruz pa rin daw ang hinahanap nito.
Naging mag-lola sila sa Tabing Ilog noong 1999 na nagsimula ang career ni John Lloyd.
Nung mag-guest naman ito sa Magandang Buhay ng 2017 ay inamin ni Caridad na isang mabuting anak at apo si John Lloyd. Never na nga pa pinayagan ng pamilya ni Caridad na siya ay lumabas pa sa telebisyon para magtrabaho.
Huling project na ginawa ng veteran actress ay One True Love nina Alden Richards at Louisse Delos Reyes at dahil 87 years old na rin si Caridad.
Pero natutuwa naman ang pamilya ni Caridad na bukod tanging si John Lloyd ang kanyang naaalala sa kabila ng kanyang karamdaman.
Well, well, well… ‘Yun na!