Advertisers

Advertisers

Covid update: 437 gumaling; 60 nasawi; 2,825 bagong kaso

0 464

Advertisers

PUMALO na sa 328,637 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,825 infection kahapon, base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon.
Sa nasabing bilang, 49,989 ang aktibong kaso.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 746, Region 4A na may 627, Region 3 na may 211
Nakapagtala naman ang DOH ng 437 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 273,723 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 60 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,925 na ang kabuuan.
May 21 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 13vdito ay recovered cases.
Samantala may 14 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)