Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
THANKFUL Ang aktres/model na si Ara Altamira dahil kahit nasa gitna ng pandemic ay may mga dumarating siyang projects.
Dalawa ang bago niyang pelikula ngayon, una ay ang Crazy In Love With You, starring Claire Ruiz, Miko Raval, Mike Lloren, Ariella Arida, Andrew Gan, Tanya Gomez, Coleen Perez, John Arcenas, at iba pa. Ang pelikula ay pamamahalaan ni Edwad James (EJ) Salcedo, line producer si Mike Lloren.
Ang isa pa ay ang Mamasapano ng Borracho Film Production na pinamumunuan ni Atty. Ferdinand Topacio. Ang cast nito ay pinangungunahan nina Edu Manzano, JC de Vera, Aljur Abrenica, Gerald Santos, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Allan Paule, Jojo Alejar, Myrtle Sarrosa, Ritz Azul, Claudine Barretto, Kate Brios, LA Santos, Erika Mae Salas, Janah Zaplan, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Lawrence Fajardo.
Pahayag ni Ara, “Sobrang saya ko po na kahit pandemic ay may mga project pa rin ako. Kasi matagal din namin pinagplanuhan yung movie na Crazy In Love with You, before the lockdown pa, and finally natuloy pa rin.
“Sobrang na-miss ko po ang acting… and sa ibang naging work ko ngayon like BigoLive, I’m thankful po kasi it really proves that God really provides, dahil kung wala po yun, mahirap po talaga maghanap ng source of income.”
Ano ang role niya sa mga pelikulang ito?
“Sa Mamasapano po, as member ng media. Sa isa namang movie, I will play as Marina, ang tagapagtanggol ni Claire sa office. Ako yung best friend ng bida sa pelikula,” sambit niya.
Ano ang reaction niya dahil parang madalas siyang maging friend ng bida?
“Feel blessed po, kasi nakakakuha palagi ng magandang role. Hopefully soon, ako naman po ang bida, hahaha!,” asayang saad pa ni Ara.
May bago ba siyang product endorsements?
Tugon ni Ara, “Sa ngayon, still with Dental First and then recently I’m one of the CSRs ng Sabong Live 618. Online sabungan po yun para sa mga friends natin na mahilig mag-bet sa cockfight. Hoping na magkaroon din ng projects na commercials, soon.”
Esplika pa niya, “Iyong CRSs po – Customer Service Representative po, it’s not actually endorsement lang po, work din po, kasi aside sa pag-encourage sa kanila to do online sabungan, I’ll be assisting them din po.”