Advertisers

Advertisers

7 carnappers timbog via GPS ng PNP

0 297

Advertisers

ARESTADO sa follow-up operation ang pitong miyembro ng carnapping group sa Barangay Salacot, San Miguel, Bulacan, nitong Miyerkoles ng umaga.
Kinilala ang mga nadakip na sina Christian Golez, 26; Kevin Sabido, 26, kapwa ng North Caloocan, Quezon City; Marlon Reyes, 31, ng Brgy. Rosario, Santiago Isabela; Jephriel Pulpulaan, 23, ng Malayugan Flora , Apayao; Jayson Tiangco, 36, ng Talavera, Nueva Ecija; Charmaine Bilagat, 26, ng Gattaran Cagayan; at Christopher Sarmiento, 44, ng Las Pinas City.
Sa ulat, 5:00 ng umaga nang matukoy ang mga suspek via GPS kungsaan naharang sa checkpoint ang isa sa mga sasakyan nito, habang naharang naman sa isang gasolinahan ang isa pang sasakyang Fortuner na kulay Gray (NEF 3920),
At isang kulay pulang Mitsubishi Mirage (NDP 4049) ay una nang humingi ng tulong sa ANCAR mula sa Muntinlupa City Police Station sa 2 mobile ng PNP Provincial Public Safety Company.
Inihahanda na ang kasong carnapping laban sa mga nahuling suspek. (Thony D. Arcenal)