Advertisers
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na magsagawa ng bubble game sa Calamba, Laguna.
Isasagawa ang nasabing President’s Cup sa Oktubre 21 na unang hindi pinayagan noong nakaraang dalawang linggo.
Sinabi ni league owner Ronald Mascariñas, na labis silang nagagalak dahil sa pinayagan na silang magsagawa ng kanilang bubble games.
Lahat aniya sila ay sabik na makapaglaro para sa nasabing bagong season.
Magsisimula ang ensayo sa Oktubre 16-18 habang ang preseason tournament na binubuo ng 12 teams ay magsisimula sa Oktubre 19.
Bawat lalahok na manlalaro ay sasailalim sa 14-day home quarantine.