Advertisers

Advertisers

2 LIDER NG IP, CAFGU PATAY SA NPA AMBUSH

0 270

Advertisers

NASAWI sa pananambang ang dalawang representante ng indigenous people (IP) at isang CAFGU sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur nitong Linggo.
Kinilala ang mga biktima na sina Datu Jomar Bucales, Datu Alberto Dela Peña at Artemio Moldes, mga taga-Purok 5, Sitio Mamparasanon, Barangay Banahao.
Ayon sa ulat, galing sa Brgy. San Isidro sa nasabing bayan sina Bucales, Dela Peña at ilang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na sina Ronald Acevedo, Moldes, Oliver Rosaldo at Ronald Bucales na nagsagawa ng meeting noong araw din ng Linggo.
Pauwi na ang mga biktima sakay sa dalawang motorsiklo nang mapansin nila ang puno ng saging na nakaharang sa kalsada. Bumaba ang mga miyembro ng CAFGU upang tingnan ang lugar nang pagbabarilin sila ng higit-kumulang 20 armado na pinaniniwalaang miyembro ng Guerilla Front 19 na pinangunahan ng isang “Tulong Wagdos”. Tumagal ang bakbakan ng 25 minuto.
Bukod kay Bucales at Dela Peña, dead-on-arrival sa ospital si Moldes habang sugatan sina Acevedo at Rosaldo na dinala sa Lianga District Hospital.