Advertisers
NAGPATIWAKAL ang isang Locally Stranded Individual (LSI) sa loob ng isolation facility sa South Upi, Maguindanao.
Ito ang kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng South Upi.
Ayon sa LGU-South Upi, madaling araw nang matagpuang walang buhay at nakabigti ang isang 19-anyos na lalake.
Sinabi ni South Upi Mayor Reynalbert Insular, palaisipan sa mga otoridad ang dahilan kung bakit kinitil ng binata ang sarili nitong buhay.
Sabi ni Insular, walang nakikitang foul play ang mga otoridad sa insidente.
Ang naturang LSI ay mula sa lungsod ng Tacurong kungsaan nagtatrabaho ito bilang carwash boy bago ito umuwi sa South Upi at sumailalim sa 14-days quarantine.
Tiniyak naman ni Mayor Insular na negatibo sa coronavirus disease o COVID-19 ang binata.