Advertisers

Advertisers

Tindera iminotel ng dyowa para patayin

0 320

Advertisers

PATAY na nang matagpuan ang isang babaeng tindera sa palengke nang mag-check-in sa motel kasama ang isang lalaking hinihinalang boypren nito sa Malasiqui, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Brenda Bruno, 44, meat vendor at residente ng Barangay Cabatling, Malasiqui.
Sa report, 3:00 ng hapon nitong Sabado nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng isang motel sa Barangay Cabilocaan ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, 9:30 ng umaga ng Sabado nang pumasok ang biktima kasama ang hindi pa kilalang lalaki na driver ng tricycle sa motel.
Makalipas ang 15 minuto, umalis ang lalaki na sakay ng tricycle at ilang oras na ang nakalipas, hindi parin bumabalik.
Nagpasya ang pamunuan ng motel na pasukin ang kuwarto ng biktima at bumungad sa kanila ang bangkay ng babae sa sahig.
Lumalabas sa pagsusuri na asphyxia due to stragulation o pananakal ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima. (Ace Ramales)