Advertisers

Advertisers

PULIS-MAYNILA NAMARIL NG NAKASABAYANG RIDER

0 263

Advertisers

KALOBOSO ang isang pulis nang manutok at mamaril ng nakasabayang rider sa Tondo, Maynila.
Hawak na ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang pulis na si Patrolman Marlon Ace Jimenez, 29, nakatalaga sa MPD-PS7 at residente ng 1656 N. Zamora st.,Tondo.
Kinilala ang biktima na si Wally Montinola, 30, ng Pacheco st., Tondo.
Ayon sa reklamo ng biktima sa MPD-PS 1, 11:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa may Panday Pira st., Tondo.
Aniya, nakasabay niya si Jimenez at pagsapit sa nabanggit na lugar, binunutan siya nito ng baril at nagpaputok sa direksiyon ng biktima.
Hindi pa nasiyahan si Jimenez, tinutukan nito ng baril ang biktima. Kaya dumiretso na ang huli sa MPD-PS. Boluntaryo namang sumuko si Jimenez.
Positibong kinilala ng biktima si Jimenez nang magkita sila sa presinto.
Itinurn-over ng MPD-PS 1 ang kaso sa MPD-GAIS sa headquarters para sa kaukulang disposisyon. (JocelynDomenden/Andi Garcia)