Advertisers

Advertisers

P10-B para sa Social Amelioration Program (SAP), nabuko lang kaya dinivert kunyari para sa livelihood program

0 300

Advertisers

Nabuko lang umano ang P10-B pondo para sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat ipamahagi sa mamamayan kung kaya’t dinivert ito kunyari para sa livelihood program at pondo para sa mga private school teachers.

Eh bakit naman daw ganon bigla ang naging desisyon ng DSWD samantalang napakarami pang kababayan natin ang hindi pa nakakatanggap ng first at second tranche ng SAP at hanggang sa kasalukuyan ay naghihintay at umaasa pa rin na makakakuha sila.

Kung tutuusin anila ay kulang pa ang P10-B at hindi ito sobra gaya ng dinedeklara ng DSWD dahil marami pang tao sa Maynila partikular na sa 1st at 2nd district ang hindi pa nakakatanggap ng SAP gayong pumasa naman daw ang mga ito sa interview na isinagawa ng kanilang mga social worker na nagpunta sa mga barangay.



Halos lahat daw ng mga barangay dito sa nasabing lugar ay wala pang tinatanggap na SAP hanggang sa ngayon samantalang binigay na sa kanila ang kalahati ng kanilang application form na nagpapatunay na sila ay kuwalipikado at pasado na upang tumanggap ng ayuda.

Sinabi rin nila na muli na naman silang pinatawag sa kani-kanilang barangay ng mga social worker ng DSWD sa pangalawang pagkakataon upang hingin at i-klaro ang kanilang mga cellphone number na kung saan sila pwedeng tawagan upang maibigay ang detalye kung saan nila pwedeng kubrahin ang kanilang SAP, G-cash pa raw iyon.

Ayon daw sa mga social worker, matagal na raw ang dalawang linggo at makukuha na ang kanilang inaasam na SAP sa iba’t-ibang money transfer na pinakamalapit sa kanilang lugar na kanila namang pinaniwalaan at inasahan.

Lumipas ang isang buwan, dalawang buwan hanggang ikatlong buwan ngunit wala pa rin daw silang natatanggap na tawag mula sa DSWD.

Matatapos na anila ang taong 2020 ngunit wala pa rin silang tawag maski man lang daw sa tawag ng tanghalan hehehe



Napakarami raw sinabing pangako at paasa ng mga social worker gaya ng may allotment o pondo na raw ito kaya sandali na lang at ipapadala na lang agad sa kung saan-saan money transfer sa Maynila.

ANYARI? Nasaan na ang mga pangakong pinagsasabi niyo sa mamamayan na walang ibang sandigan at inaasahan kundi kayo tsk,tsk, tsk, kawawa naman sila, di ba ?

Pagkatapos ay ang lakas pa ng loob ninyong sabihing sobra ng P10-bilyon ang pondo para sa SAP kung kaya’t ibabahagi na lang at ilalaan na lang sa livelihood program at ipapamigay sa mga private school teachers na nawalan ng hanapbuhay….tell it to the marines!!

Sa pananaw ng marami ay wala rin kayong pinagkaiba sa mga kawani ng PhilHealth na kung saan bilyon piso rin ang nawala at ninakaw sa kaban ng bayan kaya lang ay bigla ring nagka-bukuhan. Walang pinagkaiba sa situwasyon niyo ngayon, di po ba?

Sana’y mapatunayan niyong mali ang iniisip sa inyo ng mamamayan at hindi ganon ang kalakaran sa DSWD. Umaasa pa rin kasi sila hanggang ngayon.