Advertisers

Advertisers

OFW kulong sa pangre-rape ng pinsan

0 286

Advertisers

ARESTADO ng Philippine National Police Anti- Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nang-rape ng pinsan na may diperensiya sa pag-iisip sa Navotas City.
Kinilala ang suspek na si John Eric B. Rueda; at ang biktima ay kinilalang si “Che Che”.
Ayon sa ulat, 8:30 ng umaga nang madakip ang suspek ng mga elemento ng PNP -AKG – IRAD sa pamumumo ni Col. Edward Cutiyog sa C3 Road, Navotas City.
Inaresto si Rueda sa bisa ng warant of arrest na ipinalabas ni Hon. Sinforiano A. Monsanto, Presiding Judge ng RTC Branch 27, 8th Judicial Region, Catbalog, Samar, sa kasong Rape at No. 4 Most Wanted Person sa Municipal Level sa Zumarraga, Samar.
Nabatid na bago lumabas ang warrant of arrest, nakapagtrabaho si Rueda bilang OFW sa Dubai mula 2003 hanggang 2007.
Nang makabalik sa bansa si Rueda, nalaman nitong mayroon siyang warrant of arrest kaya nagtago na sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Sangkot din si Rueda sa operasyon ng illegal drugs sa Payatas area.(Mark Obleada)