Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
WALANG problema kay Julia Barretto na gumawa ng Girl Love (GL) series na katapat ng Boy Love o (BL) series na patok siyempre sa kabadingan.
Ayon kay Julia sa interview, if ever na may mag-offer sa kanya ng GL series ay tatanggapin niya at ang first choice niya na maging partner ay si Liza Soberano.
“Well, siyempre, I was very open about wanting to do something like that with Liza (Soberano),” say ni Julia.
Kung sakali naman daw na hindi puwede si Liza ay second choice niya si Lovi Poe o Jasmine Curtiz-Smith.
Mas gusto raw niyang gawin ngayon ay mas mature project at mas magpapakita ng kanyang kakayahan bilang actress.
Pero sa bansa natin ay tila hindi pa tanggap o tinatangkilik ng mga moviegoer ang tema ng pelikula na umiikot sa babae sa babae na lampungan.
Yes, unang araw o baka sakali sa ikalawang araw ng pagpapalabas sa mga sinehan ng ganyang tema ng istorya ay may manood pero pagkatapos na makapanood na ang mga tomboy at kabaklaan ay wala o mangingilan-ngilan na lang ang maghahangad magbayad para panoorin ito.