Advertisers
Ni BKC
INTIMATE at peaceful ang naging 31st birthday celebration ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez noong Oktubre 2 na nagpunta siya sa isang beach sa Palawan.
Pinasalamatan ni Janine sa pamamagitan ng isang post ang mga nakaalala sa kanyang kaarawan, “Best day. finally, not a throwback, thank you for all the greetings.”
Kasamang nag-celebrate ni Janine ang kanyang mga kapatid. Kita sa kanilang mga Instagram stories ang naging masayang bonding sa isla. Happy birthday, Janine!
***
Gabbi Garcia versatile, blooming at in-love!
MAY pandemic man, hindi ito naging hadlang para makatanggap ng sunud-sunod na blessings sa career at personal na buhay ang Kapuso Global Endorser na si Gabbi Garcia.
#Blessed talaga ang aktres dahil bukod sa endorsements na nakukuha ay lalong tumatatag ang kanyang relationship with Khalil Ramos. Kitang-kita rin na blooming ang ‘All-Out Sundays’ star sa kanyang mga photos at YouTube vlogs.
Kamakailan lang din ay ipinamalas niya ang husay sa pagiging isang licensed scuba diver sa naging date nila ni Khalil sa Batangas. Dito, tinuruan niya ang nobyo sa basics ng pagda-dive kasama ang ilan pang mga kaibigan.
Samantala, patuloy na napapanood si Gabbi sa weekend variety show na All-Out Sundays at sa rerun ng Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.