Advertisers

Advertisers

Ika-3 ‘POI’ sa killer ng nursing students sa Caloocan, sumuko

0 357

Advertisers

Hawak na ng pulisya ang ika-3 ‘person of interest’ sa pagpatay sa dalawang nursing graduates at isang nursing student noong Set-yembre 27, sa Caloocan City.
Nagsilbi umanong lookout ang sumukong si Ancelmo Singcol nang patayin ang tatlong biktima malapit sa isang construction site.
Ayon sa hepe ng Caloocan City Police, pumunta si Singcol matapos ang krimen sa kanyang kapatid sa Bulacan at nagpahatid pa-punta sa Daraga, Albay.
Sa report, pupunta sana sa Samar si Singcol, pero minabuting sumuko na sa kamag-anak nitong pulis.
Sa ngayon, hinahanap na si “Ronron”, na mismong pumatay sa tatlong biktima.
Bago kay Singcol, dalawang iba pang ‘person of interest’ ang hawak na ng pulisya.
Noong Okt. 1 personal na nakiramay si Mayor Oca Malapitan sa pamilya ng mga nasawi sa Barangay 179, Amparo Subdivision, Caloocan.
Sa kaniyang pagbisita nag-abot ng tulong si Mayor Oca at siniguro sa mga pamilya ng biktima ang mabilis na imbestigasyon at paghuli sa mga salarin. (Beth Samson)