Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
DUMARAMI ang local celebrities na nahuhumaling sa latest craze in town: ang Tiktok.
Sey ng iba, mainam daw na pampalipas bagot ang nasabing aktibidad.
Sa mga nagti-tiktok, wala naman silang paki kung minsan, nagmumukha na silang tanga o katawa-tawa sa kanilang ginagawa.
Ang pagti-tiktok kasi ay isa rin sa paraan para maibsan ang kanilang stress at matakasan ang kanilang problema sa panahon ng pandemya.
Isang oportunidad naman ito sa celebrities para mapalawak pa ang kanilang fan base at masasabing treat na rin para maaliw nila ang kanilang fans at followers.
Sa celebrities natin, join na rin si Dawn Zulueta sa tiktok bandwagon.
Ito ang pinagkakaabalahan ng aktres kasama ang kanyang anak na si Ayisha sa panahon ng community quarantine.
Kamakailan lang, inaliw nila ang kanilang faney sa number nila ng dalaginding na anak sa pagsasayaw sa saliw ng kanta na “Hot Girl Summer” ni Nick Thompson na patok sa netizens.
“These are stressful times… Take the edge off, do something silly,” caption ng magandang aktres.
Si Ayisha ay anak ni Dawn sa businessman at dating politician na si Anton Lagdameo, Jr.