Advertisers

Advertisers

Andi maga ang mukha kaya pinaalagaan ang mga anak sa ermat na si Jaclyn

0 382

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DUMAAN sa swab test at disinfect si Andi Eigenmann galing Siargao patungo sa bahay ng ina na si Jaclyn Jose.

Kapansin-pansin naman ang pamamaga ng partner ni Philmar Alipayo kaya hindi muna ito nag-upload ng mga bagong video sa kanyang YouTube channel.



Nagtungo si Andi sa ina para magpasaklolo na matignan nito ang dalawang apo na sina Ellie at Lilo.

Kahit nga ang mga activities ng pamilya ay never na napagtuunan ni Andi dahil na rin sa kanyang dental problem.

Eto nga raw ang dahilan kung bakit maga ang kanyang face na need nang sumalang sa dental surgery.

Pero dahil sa kanyang kalagayan na pregnant sa ikatlong anak kaya naman hindi basta pwedeng isalang ito sa  dental surgery.

***



Korina tinanggihan na maka-work si Ted sa TV5

WALANG linaw kung bakit ayaw maka-work ni Korina Sanchez ang dating nakasama sa ABS-CBN ng mahabang panahon ns si Ted Failon.

Nagkasama naman ang mga beteranong TV anchor at broadcaster sa Hoy Gising at Tambalang Failon at Sanchez noon sa DZMM.

Pero may kumalat na balita na tila ayaw nang maka-work ni Korina si Ted.

Pareho na kasing nasa bakuran ng TV5 ang dalawa na si Korina ay on set na at malapit nang ipalabas ang kanyang Rated Korina sa Singko.

Samantala, si Ted naman ay inayawan na muna ang paglabas sa telebisyon at tinutukan muna nito ang kanyang pagbro-broadcast sa Radyo Singko.

Marami pa naman silang followers na gustong magsama ulit sila sa isang project.

Well, well, well… ‘Yun na!