Advertisers

Advertisers

Voter’s registration itinutulak na gawing electronic na lamang

0 251

Advertisers

IMINUNGKAHI ni Quezon City Rep. Onyx Crisologo na gawin na lamang electronic ang voter’s registration bunsod ng COVID-19 pandemic.
Sa inihain nitong House Bill 7746 o Online Voter’s Registration Act of 2020 ay nilalayong amyendahan ang RA 8189 o “Voter’s Registration Act of 1986” sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang Electronic Voter’s Registration System.
Dahil aniya sa pandemiya ay nalimitahan ang paglabas at galaw ng publiko na nakaapekto sa pagpaparehistro ng mga botante partikular na sa vulnerable sector.
Sa pamamagitan ng electronic registration ay matitiyak pa rin ang karapatan ng bawat Pilipino na makaboto sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang alternatibong pamamaraan ng voter’s registration.
Paglilinaw naman ng mambabatas na ito ay gagamitin lamang kung matatapat ang voter’s registration sa gitna ng isang national emergency at limitado ang mobility ng tao. (Henry Padilla)