Advertisers

Advertisers

Sikat na produ sobrang taas kumaltas sa 2 alagang singer

0 228

Advertisers

Ni WENDELL ALVAREZ

GRABE naman pala itong sikat na male producer kung makakuha ng komisyon sa kanyang mga alaga, hindi lang 50 or 70 percent kundi umaabot pa sa 90 percent.

Nagkasundo si male produ at ang promoter para sa kanyang dalawang alaga for a series of shows sa bansa ng mga sakang at agad itong nagbigay ng 7 milyong piso para sa kanyang mga alaga.



Five milyon kay female singer at 2 milyon naman sa male singer.

Habang nasa bansa sila kung saan magaganap ang shows, ibinigay ng promoter ang kanilang itinerary.

Shock-to-death ang dalawang singers kung bakit pitong entertainment club, eh ang sinabi raw sa kanila 3 or 4 clubs lang.

Nagtanong si female singer sa promoter kung magkano ang kanyang talent fee, hindi nito masabi dahil nahihiya ito at kaharap si male singer.

Para hindi halata, kinuha ng promoter ang kanyang cellphone, inilagay sa calculator apps at inilagay ang 5M na nang makita ni female singer ay humagulgul ito ng iyak.



Ibinaling kay male singer ang cellphone at nalaman na 2M lang kaya natulala ito.

Parehong sikat ang dalawang alaga ng producer, tinaguriang money maker ang female singer at siya rin ang flag carrier sa production ng producer, si male singer naman ay tinaguriang champion. Knows mo siya kapatid na Blessie…Alam mo na!!!

***

HANGGANG ngayon hindi pa rin mabura sa utak ni Mama Daisy Romualdez ang ginawa ni Morissette Amon sa show ni katotong Jobert Sucaldito nuong nakaraang taon sa Music Museum, Greenhills.

Sobrang ingay niya sa van na talaga namang bumubula ang kanyang bibig ‘pag ang topic ay ang walk-out isyu ni Morrissette.

Wala naman kaming magawa nina Tina Paner at Kiel Alo sa loob ng van kundi ang makinig at okey lang naman iyon dahil mahaba-haba ang aming nilakbay papuntang San Pablo City, sa bahay ni Donya Zara Manilay.

Sinabi nga ni Jobert na hayaan na lang daw si Mama Dai dahil ganyan talaga ito magmahal sa isang kaibigan, ipaglalaban niya talaga.

Habang tumatalak ang mudra nina Tina at Danita Paner, wala akong pakialam dahil iniisip ko kung sino yung Donya Zara na pupuntahan namin.

Inabot kami ng halos dalawang oras sa byahe at natulala ako nang makita ko ang isang white house sa tuktok ng bundok na tanaw na ang Sampaloc Lake sa Laguna.

Nang makita ko ang sinasabi nilang Donya Zara, (tawag ni Azenith Briones), very familiar ang face sa akin, siya na mismo ang nagsabi, “kilala kita, doon tayo nagkita sa house ni Gov. Chavit.”

Sa isip ko siya nga iyong mayaman na matagal ko nang hinahanap at nagkita rin kami, di bah kapatid na Blessie…Alam mo na!!!