Advertisers
IBA’T IBANG pamamaraan ang ginagawa ng State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa upang gawing madali at magaan ang pag-aaral sa pagbubukas ng klase nitong araw ng Lunes.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera III, ilang SUCs ay namigay pa mismo ng tablet at mga gadget sa mga estudyante para makasali ang mga ito sa online learning.
Pero, kakaiba ang inobasyong ginawa ng Siniloan campus ng Laguna State Polytechnic University (LSPU).
Ginawang eskwelahan ng LSPU ang kanilang mga regular school bus para magamit ng mga estudyante.
Bawat bus may kapasidad na mag-accommodate ng 15 estudyante at may mga computer at internet connection.
Umiikot ang mga school bus sa mga munisipalidad kungsaan may mga estudyante na walang gadgets at internet connection dahil sa financial limitations.