Advertisers
BIGYAN-DAAN natin itong mga samu’t saring sumbong, daing at reklamo ng ating mga kababayan:
Idinadaing ng commuters ang kakulangan ng masasak-yan sa kanilang pagpasok sa trabaho: “Hanggang kelan papahirapan ng gobierno ang mga tao? Bakit ayaw pa nilang maglagay ng diretsong biyahe ang mga bus? Konti nalang tulog namin, napakatagal ng MRT at bus. Pu… ina nila lahat!”, text sa akin ng commuter.
***
Anak ng jueteng!
Isinusumbong naman ang operasyon ng jueteng sa Taguig City, Paranaque City at Muntinlupa City. Gamit pa raw ng jueteng lords ang STL collection report sa kubransa.
Nagsimula ito nang payagan na ng gobierno ang operasyon ng Small Town Lottery na anim na buwan ding natigil kasabay ng paglaganap ng covid 19 sa bansa.
Pag may jueteng, tiyak may “timbre” kay Police General at kay Mayor! Pramis!!!
***
Puede na ba ang bilyaran?
Sumbong ng isang concerned citizen from Caloocan City: “Sir dito po sa may Ausria, Caloocan City, may bilyaran dito na malakas ang pustahan kaya napakaingay nila, isturbo sa mga nagpapahinga. Di ba bawal pa ang sugal sa ngayon?”
Ipinagbabawal pa ang larong bilyar dahil posibleng magkahawaan dito ng covid 19. Kung sinumang Barangay Chairman at prisinto ng pulisya ang nakasasakop sa bilyaran sa may kalye ng Austria, mananagot kayo kay Mayor Oca Malapitan nyan!
***
Bentahan ng marijuana sa Bgy. 172, Pasay City
Isa ring concerned ang nagpaabot sa atin na talamak na bentahan ng iligal na droga sa kanilang barangay:
“Dito po sa amin sa Barangay 172, Pasay City, may isang tanod ng barangay ang nagsisilbing protektor ng mga nagbebenta at gumagamit ng marijuana. Siya po ang nagsasabi sa mga adik kapag may nagsumbong sa pulis, tinitimbrihan niya. Kaya pagdating ng mga pulis, nakapagtago na ang adik at tulak.”
Kung totoo ito, dapat maaksiyunan agad ito ng Bgy. Chairman ng 172. Sibakin at kasuhan ang tanod na ‘yan. Mismo!
***
Ayaw pa-swab test ng vendors
May nag-text sa akin mula sa Bacolod City: “Sir, ngayon po ay nag-rally ang 2 palengke dito sa Bacolod City. Dahil po sa ayaw ng mga nagtitinda magpa-swab test. Ang reason po e-quarantine sila ng 15 days. Paano ang naghihintay na mga bunganga ng mga bata?, tapos wala namang assistance na dumating. Ang binibigay nilang bigas na NFA may amoy. Ang habol kasi ng mga opisyal dito magkapera sila. May nabangga nga rito, pinigil pa ng duktor na maipasok sa emergency. Kailangan muna raw e-swab test. Kahit sa mga manganganak, hindi basta maipasok sa emergency, kailangan munang ma-swab, hanggang sa maubusan na ng dugo ang pasyente. Grabe rito!”
***
Panawagan ng seniors kay Pangulong Digong
“Nananawagan po kaming mga senior citizen kay Pangulong Rody Duterte na sana ‘wag naman ipagkait ang aming karapatan bilang seniors. Ibigay na sana ang aming financial assistance na pambili ng gamot. Lingid sa inyong kaalaman maraming seniors ang may sakit na nangangailangan ng tulong ng gobierno. Sana maipagkaloob na ang para sa seniors.”