Advertisers

Advertisers

Palasyo pinamamadali ang pagpasa sa P606.6-B budget ng DepEd sa 2021

0 230

Advertisers

INATASAN ng Malakanyang ang Kongreso na bilisan ang pagpasa sa P606.6 billion proposed budget ng Department of Education (DepEd) para sa susunod na taon.
Ito ay para umano mas maging madali para sa nasabing departamento na ipatupad ang flexible learning methods dahil sa coronavirus pandemic.
Sa isang pahayag, tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga magulang at estudyante na handang-handa na ang DepEd sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan na nagsimula nitong Lunes, Oktubre 6.
Batid naman ni Roque na posibleng hindi maging perpekto sa una ang pagsasagawa ng flexible learning, kung saan ay magkakaroon ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo tulad na lamang ng modular learning, broadcast learning at online classes.
Gayunman, kumpyansa ang pamahaalaan na kayang-kaya ayusin ng education sector ang anumang magiging isyu na haharapin nito.
Sa ilalim ng P4.506 trillion proposed national budget para sa 2021, makakakuha ng P606.6 billion na alokasyon ng pondo ang DepEd. Ito ay di hamak na mas malki ng 9.54 percent mula sa dating P552.9 billion ngayong taon.