Advertisers

Advertisers

Opening ng klase prinotesta ng mga guro

0 249

Advertisers

SINALUBONG ng kilos-protesta ng grupo ng mga guro ang pagbubukas ng klase sa bansa nitong Lunes, Oktubre 6, gayundin ang pagdiriwang ng World Teachers’ Day.
Isang sunrise protest ang idinaos ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), sa Mendiola, sa Maynila nitong Lunes ng umaga.
Kabilang sa mga ipinuprotesta ng mga guro ay ang kapabayaan umano ng pamahalaan sa edukasyon at kahilingan na bigyan ng pondo ang ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga kabataan sa bansa, sa gitna ng nararanasang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa pagdaraos ng protesta, may bitbit pang mga plakard ang mga guro na may mga nakasulat na mga katagang, “Don’t leave poor, rural children behind!”, “Duterte pabaya sa edukasyon!” at “Ligtas na balik-eskwela pondohan!”
Tiniyak naman ng mga guro na naoobserbahan nila ang physical distancing at naghiwa-hiwalay ang mga ito habang nagsasagawa ng rally.
Nag-ingay din ang mga guro at sabay-sabay na pinatunog ang mga busina ng kanilang mga dalang sasakyan upang tawagin ang pansin ni Pangulong Duterte hinggil sa sitwasyon ng sektor ng edukasyon.
Una nang sinabi ni ACT Philippines secretary general Raymond Basilio na ang mga pangunahing pangangailangan para sa blended learning, gaya ng printed modules, ay hindi pa natutugunan kahit nagsimula na ang klase sa bansa kahapon.
Aniya, nasayang lamang ang panahon ng paghihintay at pagkansela ng class opening noong Agosto 24 dahil hanggang ngayon aniya ay hindi pa rin nakahanda ang mga pangunahing pangangailangan nila para sa pagbubukas ng klase. (Jonah Mallari/Jocelyn Domenden)