Advertisers
ARESTADO ang isang overseas worker nang mahulihan ng malaking halaga ng shabu sa buy-bust operation.
Kinilala ang nadakip na si Noel Navarro Oring alyas “Jojo”, 32, laborer sa bansang Qatar, tubong Misamis Occidental at nakatira sa Sitio Camansi, Brgy. Mabolo, Cebu.
Sa report, 7:40 ng gabi nitong Sabado nang mahuli ang suspek sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, isinailalim sa dalawang linggong surveillance ang suspek.
Nakuha mula sa suspek ang malaking pakete ng shabu na may timbang na 60 gramo na nagkakahalaga ng P408,000.
Ikinanta ng suspek na isang alyas “Kano” ang nagsu-supply sa kanya ng droga at ang kontak nito ay nasa loob ng Cebu City Jail.(Ace Ramales)