Advertisers
JUMPER NG KURYENTE NAIBALIK NA NAMAN SA ROAD 04, BARANGAY 182 ZONE 16, GAGALANGIN, TONDO, MANILA. ANG MASTERMIND DITO AY SI RAQUEL NA CONIEVANCE ITONG SI LOLITA. NAGPAPASALAMAT KAMI SA POLICE FILES UPANG SUMBUNGAN NG TAONG BAYAN LALO NA ANG MGA ILLEGAL NA GAWAIN. MAY KASABUWAT PO ITO NA LINEMAN NG MERALCO. ANO ANG PARUSA DITO NG MERALCO ? SALAMAT PO. – REPORTER NG BAYAN, CONCERNED CITIZEN
Mga tulak sa Sampaloc, Manila at mga hulidap na pulis ng MPD-PS4
Gud am po. Sa Brgy. 484 z48, Sampaloc, Manila buhay na buhay po ulit ang bentahan ng iligal na droga cla ERNING, DIGON, LEAH, LOLA CARMEN, OGIE, NONONG . Pag nahuli naman po ng anti-drugs sa Stn 4 (MPD), kukunin lang po ng pulis ang pera tapos pakakawalan na. HULIDAP po mga pulis ng Stn4. – Concerned citizen
Kurakot na ilang opisyal ng Brgy. 61, Manila
Gud am po. Kami po ay taga Parang dito po sa Tundo. Sakop po kami ng Barangay 6l sona 5. Report ko ang kurakot na ilang opisyal dito sa aming barangay. Kinurakot nila ang ayuda, pera sa SAP. Iba’t ibang pangalan ang nilagay nila sa form, pagkatapos po ang kumubra ng pera ng SAP ay yung isang opisyal na dikit sa tserman. Tapos yung binigay noon ni Mayor Isko Moreno na spaghetti ay kinurakot din po yan ng ilang opisyal. Ibinenta nila sa tindahan. Ang sa amin lang po na taga-Parang ay matanggal sa pwesto o kaya makulong ang mga opisyal na ganito. Kawawa po kami mga taga Parang lalo na po ang mahihirap na pamilya, agrabyado. – Residente ng Brgy. 61, Tundo, Manila
(Editor: Kung may patunay kayo sa inyong akusasyon laban sa ilang opisyal nyo sa barangay, ireklamo ng pormal sa DILG para makasuhan sila sa Ombudsman tulad ng limang Brgy. Chairman na sinuspinde ng 6 months dahil sa iba’t ibang katiwalian)