Advertisers

Advertisers

Jodi at Raymart bina-bash ang relasyon

0 294

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA ngalan nga raw ng pag-ibig ay walang pinipiling antas ng buhay o kahit edad.

Nalantad na kasi ang relasyon nina Jodi Sta. Maria, 38 at Raymart Santiago, 47, dahil na sa kanilang mga sweet message.



Dagdag pa ang mga kuhang larawan ng new couple at sa pag-amin ng dalawa na hindi naman daw KathNiel at LizQuen ang dalawa kung ihahalintulad sa pagmamahalan nina Jodi at Raymart.

Sa IG post nga ni Jodi ay wala itong nakikitang masama kung maging sila ni Raymart at ganun din naman ang aktor.

It’s a choice nga raw ang magmahal, umibig at ibigin kaya kung may mga tao raw na huhusgahan ang kanilang pagmamahalan ay nagmahal lang daw ang dalawa.

Saka pareho naman daw na matagal na silang hiwalay sa kanilang mga dating dyowa, si Jodi kay Jolo Revilla nung 2016 at si Raymart sa ex na si AC Legarda nung 20ka-gf18.

At kapwa deserving na maging happy sina Jodi at Raymart  at masaya rin ang kani-kanilang followers na natagpuan na nila sila sa isa’t isa ang tunay na pag-ibig.



***

College pa huling nagka-gf…

Alden Richards game na magka-syota matapos ang pandemic

HINDI itinanggi ni Alden Richards na true na matagal na siyang wala dyowa.

Umamin si Alden na nung college pa ito nang huling magkaroon ng dyowa.

Nang pumasok sa showbiz ay never din itong nagkadyowa.

May pag-amin din sa guwapong aktor sa panayam ni Kuya Boy Abunda na muntik na anya ito magka-gf na aktres pero hindi umabot sa inaasahan.

Inaasahan ni Alden na matatapos din ang pandemya at sinigurado nito na magkakaroon na siya ng lovelife.

Edad 28 na si Alden at lilipas na naman ang taon at sa January 2, 2021 ay 29 na siya kaya target nito na pagkatapos ng pandemic ay magkaka-lovelife na siya.

Well, well, well…’Yun na!