Advertisers

Advertisers

‘Di gaya ni actress-dancer… Kapamilya actress maldita sa back-up dancers

0 385

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

ZINOLALA this Kapamilya actress na sweet ang image pero matindi pala ang attitude pagdating sa ibang nakakatrabaho especially sa alam niyang mga starlet lang.

Sa kanilang rehearsal ay matindi raw magpaantay ang hitaders na ito. Kung ang calltime ay 2pm,  asahan na late ito ng 4 to 5 hours. Eh, nagrereklamo yung ibang dancers lalo na kapag may pasok sa school.



Isa pang ikina-turn off ng dancers kay actress ay imbes na mag-apologize ito sa kanyang pagka-late ay nakaismid pa raw ito sa kanila. Well, noon pa nababalita nang maldita si actress  at mga sikat lang ang kanyang mga binabati.

Bakit hindi kaya tumulad si tsinitang actress sa kapwa niya Kapamilya actress na mahusay sumayaw na super bait sa mga back-up dancer na bukod sa binibigyan niya bawat isa ng additional cash ay kanya pang tini-treat sa mamahaling resto.

Kaya kita niyo naman super yaman na si tinutukoy nating actress-dancer. E, ang bida sa ating blind item generous lang sa kanyang pamilya pero sa mga maliliit na tao waley. Saka baka pakitang tao lang yung ayuda niya during ECQ. Just asking!

***

Kahit May Covid Naging Memorable Pa Rin Ang Birthday Celebration Ni JC Garcia



Si JC Garcia ang kauna-unahang artist na nakapagdaos ng special event in celebration with his birthday in Fort McKinley Resto and Lounge at San Francisco, California.

And kahit na nandyan pa rin ang Covid-19, para kay JC ay memorable pa rin ang nangyaring Birthday concert niya na dumating ang halos lahat ng invited rich friends niya na nakipagkantahan at sayawan sa kanya.

Aside sa said concert sa Fort McKinley ay sunud-sunod ang birthday treat for JC at nais niyang pasalamatan ang lahat ng nakisaya sa kanya tulad ng isa sa kanyang bestfriends sa Sacramento, California na si Milena Castaneda Arceo na naka-duet niya noong 90’s sa first single na “Forever In Your Eyes” na composed ni Nikiya and produced ng late director na si Jessie Pangilinan and late actor-comedian Prospero Luna. This was sold all over US na distributed by Tower Records.

Sa isang class resto kumain ang magkaibigan. Amazing European food naman ang treat kay JC ng friend and dancing and singing partner na si Jennifer Poblete. Binigyan naman ang Pinoy international singer ng libreng room sa Thunder Valley Casino Resort ng longtime BFF niya since 1995 na si Elvira Capistrano and Emily Buenaflor Burns and Mely Clark na tinreat siya ng sumptuous dinner.

At siyempre hindi rin nagpahuli ang matalik na kaibigan na kapwa singer ni JC na si Yolanda Siracusa na binlowout naman siya sa Marriot Hotel. Nakasama naman uli ni JC sa kanyang final birthday celebration ang co-Rotarian officers and members sa Fort McKinley na ilan sa kanila ay businessmen, doctors, FBI, at building owners.

And para naman sa kanyang actual natal day kasama ng ministers and brethren (mga kapatid) ay sa simbahan niya ito cinelebrate. Every year niya itong ginagawa bilang pasasalamat na rin niya sa Itaas sa blessing at good health na ibinibigay sa kanya. Infairness, marami siyang handa sa okasyon na ito. From all of us here at Police Files Tonite, happiest birthday, JC Garcia.