Advertisers

Advertisers

Derek at Andrea nililihim na live-in na; Jasmine ‘di lang pang-drama, pang-comedy rin

0 215

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAGULAT ang netizens kay Jasmine Curtis-Smith dahil bukod sa husay sa drama ay patok din ito sa comedy. Pinatunayan  niya  ito  sa I Can See You Love On The Balcony na isang rom-com.

Napansin  din sa nasabing rom-com na may chemistry  sila ni Alden Richards kaya sa unang araw pa lang ng airing  ng first installment mini-series ay marami na ang nagre-request sa GMA 7 na pagtambalin sila  muli sa isang teleserye.



Gustung-gusto ni Jasmine ang story  ng Love On The Balcony  dahil hindi  lang  ito love story sa panahon ng pandemya. Sabi ng younger sister ni Anne Curtis, nagbibigay raw ng kaalaman  sa buhay at pagsubok  na kinahaharap ng medical  frontliners ang story ng serye na gumanap na isang nurse

Isang wedding videographer si Alden sa serye na makikilala si Jasmine  at  mabubuo  ang kanilang pagmamahalan.

Hindi naman maiiwasan na pagkumparahin sila ng kanyang kapatid na si Anne kung sino ang mas maganda.

Halos lahat kasi ng netizens ay nagsasabi na mas maganda at napakaseksi ni Anne kumpara kay Jasmine. Pero karamihan din ay nagsasabi na mas magaling umarte si Jasmine kaysa Anne.

Kahit may anak na si Anne ngayon ay marami pa rin ang nag-aabang  kung kailan ito magbabalik showbiz.***



HINDI naman maintindihan ng mga netizen kung bakit daw kailangang itanggi nina Derek Ramsay at Andrea Torres na nagli-live-in na sila samantalang nasa hustong edad na naman sila at puwede na nilang gawin ang gusto nila sa buhay.

Hindi raw kaya natatakot lang ang aktor na kapag naghiwalay sila ng actress ay maparatangan na naman siyang mahilig lang talagang makipagrelasyon pero takot matali ng habambuhay sa isang babae.          Dalangin ng mga nagmamahal kay Andrea ay hindi raw nito danasin ang  naging kapalaran ng mga naging ex-girlfriend na actor.