Advertisers

Advertisers

Covid update: 87 gumaling; 64 nasawi; 2,291 bagong kaso

0 249

Advertisers

UMABOT na sa 324,762 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH Covid-19 case bulletin no. 205, umabot sa 2,291 ang bagong nagpositibo sa Covid-19 ang naitala ng DOH nitong Lunes, Oktubre 6.
Nasa 45,799 naman ang aktibong kaso.
Sa mga bagong kaso ng Covid-19, nasa 1,992 ang naitala mula Setyembre 22 hanggang Òktubre 1.
Pinakamarami pa rin ang naitala sa National Capital Region (NCR) na may 698, Region 4A ,488 at Region 6, 169 bagong kaso.
May 87 rin ang nakarekober kaya umabot na sa 273,123 ang gumaling sa sakit.
Habang nadagdagan pa ng 64 ang bilang ng nasawi kaya nasa 5,840 ang kabuuang bilang ng namatay sa virus.
May 26 duplicates ang tinanggal sa total case count kung saan 18 ang nakarekober.
Nabatid na 25 unang naklasipika na nakarekober pero namatay pala matapos ng final validation.
May 17 laboratoryo rin ang hindi nakapagsumite ng data sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) nitong Oktubre 4. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)