Advertisers
KINUMPIRMA ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na posibleng masimulan na ngayong linggo ang clinical trial ng anti-flu drug na Avigan.
Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni Vergeire na napirmahan na ang kasunduan para sa sa clinical trial ng Avigan drug na mula pa sa Japan na posibleng lunas laban sa Covid-19.
Kabilang aniya sa mga lumagda sa kasunduan o memorandum of agreement ay sina Health Secretary Francisco Duque III, University of the Philippines Manila Chancellor at iba pa.
Ayon kay Vergeire, may mga ilang bagay na lamang na kailangang ayusin para masimulan na ang clinical trial kabilang dito ang data base na importante sa gagawing clinical trial upang makaarangakda na ang trial.
Matatandaan na inaasahan sanang masimula ang trial sa Avigan nitong Setyembre ngunit nagkaroon ng delay sa ethics review sa ilang mga hospital na kalahok o tinukoy para sa trial. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)