Advertisers
NASAWI ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng tatlong lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Baliguian, Zamboanga Del Norte.
Kinilala ang biktima na si Joseph S. Tejero, 51 , tserman ng Brgy. Poblacion, Baliguian.
Sa report, 2:45 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa bahay ng biktima.
Ayon sa ulat, abala ang biktima nang dumatinang ang mga salarin sakay ng dalawang motorsiklo at pasukin ang bahay nito. Agad pinagbabaril ng mga salarin ang opisyal na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na ikinasawi noon din.
Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa Siocon.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen. (Mark Obleada)