Advertisers

Advertisers

Zarate inalmahan ni Monteagudo

0 411

Advertisers

INALMAHAN ni Alex Paul Monteagudo, Director General ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang paratang na siya ang pinagmumulan ng fake news o maling mga impormasyon para masira ang demokratikong uri ng pamumuhay ng mga Filipino.

Ani Monteagudo, trabaho niya na protektahan at idepensa ang pamahalaan at Konstitusyon nito laban sa mga mapanirang puwersa ng mga grupo, lalo ngayon na namamayagpag ang mga ito sa Kongreso.

Matatandaan na nitong Setyembre 29, inakusahan si Monteagudo habang nasa kasagsagan ng NICA budget deliberation, ni Congressman Carlos Isagani Zarate, at mga miyembro ng MAKABAYAN Bloc na BAYAN MUNA, ACT, GABRIELA, at KABATAAN Party-lists na siya ang pinagmumulan ng mga maling impormasyon dahil sa kanyang mga FB account posts at shared informations.



Ani Monteagudo, lahat ng kanyang post at mga isine-share sa kanyang FB account ay katulad lamang ng mga ekspresyon ng mga mamamayang may katulad niyang sentimiyento hinggil sa mga naranasan ng mga dating rebelde, Indigenous Peoples (IPs) at mga magulang na nawalan ng mga anak sa kamay ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Nakakalungkot aniyang isipin na nakapuwesto pa ang mga ito sa Kongreso, katulad ng MAKABAYAN Bloc na pinangungunahan ni Congressman Zarate.

Si Zarate aniya ang nagpapanggap na tagapagdepensa ng katarungan gayung parte mismo ito ng teroristang organisasyon na kumitil sa libong buhay ng mga Filipino, sumira ng buhay ng maraming pamilya na ang nais lamang ay mabuhay ng mapayapa.

Idiniin pa ng opisyal na kaya niya ibinabahagi ang anumang FB posts hinggil sa mga naranasan ng mga Indigenous people ay para maprotektahan, lalo ang mga kabataan na sumapi sa mapanlinlang na CPP/NPA/NDF, na naghihikayat ng marahas na paglaban sa pamahaan.

Kung ano man aniya ang kanyang mga post, ay dahil iyon mismo ang isinawalat ng mga Indigenous Peoples (IPs) na nakaranas ng eksploytasyon sa Communist Terrorists, malala pa ay kumitil sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay.



Ai pa ni Monteagudo, ibinabahagi niya ang mga hinaing ng IP upang maproteksiyunan ang mga pamilya at mga kabataan na posibleng malinlang ng matamis na pananalita ng Communist Terrorist Group na ngayon ay lumalawak ang network sa Kongreso,

Matapang din na sinabi ni Monteagudo na ang MAKABAYAN Block aniya ang dahilan kung bakit maraming magulang ang hanggang ngayon ay nagdadalamhati, dahil sa pagkawala ng kanilang mga anak dahil napaniwala ng teroristang grupo sa kanilang maling ipinaglalaban.

Ang MAKABAYAN Bloc ay miyembro ng CPP/NPA, na idineklara mismo ng pamahalaan at limang iba pang bansa, kabilang na ang United States (US) at European Union (EU) bilang teroristang grupo.

Lahat aniya ng miyembro ng CPP ay sumumpa sa CPP flag at Constitution nang marahas na paglaban upang masira pamahalaan.

Kaya rin aniya, hindi na siya nagtataka kung hinaharang man ng MAKABAYAN Bloc na maibigay ang budget ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) mula sa Presidential Communication Operations Office (PCOO), National Security Council (NSC) at NICA.

Dagdag pa ni Monteagudo, na sa loob ng 51 taon, ilang libong kabataan na ang ang binawian ng buhay matapos magpalinlang sa CPP/NPA/NDF, sa pamamagitan ng pagtuturo ng maling paniniwala.

“Who will reveal the truth if we are cowed and intimidated by these Congressmen? Kung hindi tayo sino at kung hindi ngayon, kailan? Sa aking mga kababayan, magtulungan po tayo upang protektahan ang ating pamilya at mga anak laban sa panlilinlang at pang aabuso ng mga CPP/NPA/NDF Communist Terrorists.

“Mahigit 50 taon na tayong pinagsasamantalahan ng grupong ito. Tama na!!! Itigil na natin ito!!! Let us not allow them to deceive us for another 50 years and this is the reason why I am telling our people the truth!!!” (PFT Team)