Advertisers

Advertisers

Sen. Go, oks gawing PhilHealth chair ang Finance chief

0 252

Advertisers

PARA maisaayos ang pamamalakad sa pinansiya ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), pabor si Sen. Bong Go sa isinusulong ni Senate President Tito Sotto III na palitan ang Health secretary ng Finance secretary bilang ex-officio chair ng governing board ng ahensiya.

“May na-file si SP Sotto sa Senado, ito po ‘yung ia-amend namin ang Universal Health Care (UHC) para ilagay ang Secretary of Finance as chair po ng PhilHealth. Kasi more on finance po itong PhilHealth. To be fair —very capable po si Sec. Duque but he is very busy right now,” ang paliwanag ni Go.

Sinabi ni Go na ginagawa ni Sec. Francisco Duque III ang lahat upang pangunahan ang Department of Health at malagpasan ng bansa ang COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagtupad sa kanyang responsibilidad sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.



Ayon sa senador, nakahanda naman si Finance Secretary Carlos Dominguez III na akuin ang nasabing hamon at nangakong hahabulin ang mga tiwaling indibidwal sa loob at labas ng PhilHealth kung maipapasa ang amiyenda at maitalaga siyang ex-officio chair ng PhilHealth Board.

“Sabi niya, ‘Bong, kapag nilagay niyo ako diyan, lahat ng sangkot, kakasuhan ko, not only within PhilHealth, kasama [mga private entities] na sangkot sa PhilHealth’,” ani Go tungkol sa naging pag-uusap nila ni Dominguez.

“Sabi ko, ‘Go ahead, sir! Ipapakulong natin. Kawawa naman ang mga Pilipino kung may mga nananamantala dyan,” tugon niya Go.

Sinabi rin ng senador na upang mareporma ang PhilHealth, ay bigyan din ng tsansa ang bagong presidente nito na si Dante Gierran na linisin ang katiwalian sa ahensiya bago ikonsidera ang planong isapribado o buwagin ito.

“Alam niyo itong sa PhilHealth issue, para sa akin po kapag isinapribado po ito, magiging negosyo na po ang PhilHealth. Magiging profit-oriented na po [and] the business of government is not profit. [It is] service,” ani Go na nagsabing tutol siya sa panukalang isapribado ang PhilHealth.



”I agree with Gierran na huwag muna at sabi naman ni Pangulong Duterte, bibigyan muna ng pagkakataon ang bagong pamunuan ng PhilHealth to prove their worth and work to clean PhilHealth,”ani Go na nagsabi pang“Sa ngayon hindi pa po. hindi muna iaabolish sa ngayon.”

“Ang task po ng bagong presidente ng PhilHealth is to clean, investigate, audit at papanagutin, ipakulong ang dapat makulong. Suportahan muna natin ang bagong pamunuan ng PhilHealth and let’s see until December. Kapag hindi niya nalinis, sabi ni Pangulo, maaaring abolish niya,” ayon sa mambabatas. (PFT Team)