Advertisers
KATUWANG ang iba’t ibang government agencies, nagpadala ng tulong ang tanggapan ni Senador Christopher “Bong” Go sa mga biktima ng sunog sa ilang barangay sa Davao City.
Kabilang sa mga dalang tulong ng mga staff ni Go ang mga food packs, face masks, face shields, vitamins, gamot at financial assistance sa mga biktima.
Kaugnay nito, nanawagan si Go sa mga kababayan na isuot ng mga ito ang face masks at shield para makaiwas na mahawa sa COVID-19 habang tiniyak na mayroong makakain ang mga ito.
Bukod sa mga tulong, ilang benepisaryo rin ang masuwerteng nabigyan ng libreng bisekleta na magagamit sa kanilang paghahanap-buhay.
Samantala, pinasalamatan ni Go ang DTI dahil sa hatid na livelihood, DSWD sa dagdag na tulong gaya ng financial aid, National Housing Authority sa pagtulong sa pagpapatayo ng bahay ng mga nasunugan, DOLE para sa employment, DOH, PAGCOR at TESDA sa mga dagdag na tulong sa mga nasunugan.
Hinimok din ni Go na huwag mag-atubiling magpagamot ang mga kababayan kung saan maaaring humingi ng tulong sa mga Malasakit Center na sadyang itinatag para sa mga mahihirap na walang pampagamot. (Mylene Alfonso)