Advertisers
INARESTO ang isang bodigero nang magbiro itong may lamang bomba ang hawak na garbage bag habang papasok sa ginagawang konstruksiyon sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Cavite.
Kinilala ang naresto na si Jhon Erick Macan Consul, 28, warehouseman sa First Orient Intenational Venture Corporation, ang construction company na gumagawa sa POGO.
Sa ulat, 9:30 ng gabi nitong Biyernes habang dumadaan sa entrance sa construction site si Consul nang sitahin ng lady guard na si Jesalyn Posada ang bitbit niyang garbage bag.
Sinabi ni Consul na bomba ang laman ng garbage bag, dahilan upang magdulot ng panik sa lugar. Kaya agad itong inaresto.(Irine Gascon)