Advertisers
NASAKOTE ang 65-anyos lola at kanyang anak sa buy-bust operation sa Caloocan City, Sabado ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina “Lola” Taya Sulong; at kanyang anak na si Abdul, 33, kapwa residente ng Block 1, Lot 9, Villa Enrico Heights, Brgy. 171, Caloocan City.
Sa ulat, 8:20 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Police Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kanilang bahay.
Nakumpiska sa mag-ina ang nasa 600 gramo ng shabu na tinatayang nasa P4,080,000.00.
Nahaharap ang mga mag-ina sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Beth Samson)