Advertisers
NAG-SUICIDE ang 12-anyos na lalaki nang lasunin ng kanyang kapitbahay ang alaga nitong aso sa Iloilo.
Itinago ang biktima sa pangalang alyas “Toto”, residente ng Barangay Calaya, Nueva Valencia, Guimaras.
Sa report, nakita na lamang ang matigas na bangkay ng biktima sa likurang bahagi ng kanilang bahay, katabi ang isang lasong kemikal na pinaniniwalaan iniinom ng binatilyo.
Kuwento ng kapatid ng biktima na si Paolo, bago ang insidente, sobrang sama ng loob at nag-iiiyak si Toto dahil nilason ng hindi kilalang kalugar ang alaga’t kaibigan nitong aso.
Ani Paolo, napagalitan pa ng kanilang magulang ang kapatid dahil sobrang dinamdam ni Toto ang pagkamatay ng aso.
Nagsabi pa umano si Toto na magpapakamatay narin ito para masamahan sa kamatayan ang alaga.
Hindi inakala ng pamilya na tototohanin nga ni Toto ang pagpapakamatay.(Ace Ramales)