Advertisers
Patay ang isang retired police officer nang manlaban sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 7 (PDEA-7) at Cebu City Police Office (CCPO) sa operasyon sa may Sitio Hoyong-Hoyong, Brgy. Mambaling, lungsod ng Cebu.
Napag-alamang subject sa naganap na operasyon nitong Biyernes si Retired SPO4 Alexander Dalion, 58, at residente ng nasabing lugar.
Sa ulat, naghain ang operatiba ng search warrant laban sa subject, at mabilis na binunot ni Dalion ang kanyang baril ngunit naunahan itong barilin ng mga pulis.
Ayon kay PDEA-7 Director Levi Ortiz, konektado umano ang high-value-target na si Dalion sa grupo ng kilalang sindikato na si Jeffrey “Jaguar” Diaz.
Nakapagdi-dispose ang napatay na pulis ng isang kilong shabu linggu-linggo at sa Cebu City ang area of distribution nito.
Narekober kay Dalion ang mga baril at 200 grams ng pinaniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.