Advertisers
Muling dinomina ng Los Angeles Lakers ang Game 2 sa laban nila sa Miami Heat upang hawakan ang 2-0 lead sa nagpapatuloy na NBA Finals kahapon sa Lake Buena Vista,Florida.
Nagsanib puwersa sina LeBron James at Anthony Davis upang iposte ang ikalawang panalo sa score na 124-114.
Tulad sa Game 1, wala pa ring pangharang ang Miami sa power duo.
Kahit ipinalit sa mga injured na sina Goran Dragic at Bam Adebayo sa starting line up sina Tyler Herro at Meyers Leonard, hindi pa rin umubra ang mga ito.