Advertisers

Advertisers

MULI

0 368

Advertisers

WALANG kabalak balak ang pitak na ito na pag-usapan ang mga pangyayaring naganap at patuloy na nagaganap sa Kamara de Representante na kung saan si Ispiker Alan mismo ang bida at mga spice-boys ang co-stars. Nais na sana ng una na magbitiw bilang ispiker subalit tumutol si spice-boy Defensor sa kadahilanan na ang nakataya rito ay ang hawak ng kapangyarihan at kaban ng kayamanan.

Alam natin na si spice boy Defensor ang isa sa mga nangunguna sa imbestigasyon na isinusulong ni Cayetano. At halos magkababata ang mga ito kaya alam nila ang likaw ng bituka ng bawat isa.

Alam nila kung ano ang gusto ng bawat isa. Ang mga ito’y nasa magkabilang panig ng panahon ni Ate Glo, subalit sa pagkakataong ito mukhang pumabor ang ihip ng hangin sa Ispiker dahil kinampihan ito ng mga spice-boys sa malinaw na dahilan, ang tinatamasang kapangyarihan.



Sa husay ng pagdadala ng mga ito ng sitwasyon sa kapulungan natangay nila ang iba pang mga kinatawan na panatilihin muli si Kong APC bilang Ispiker.

Ang usaping ispiker ay usaping pera at ang usaping pera ay usaping kapangyarihan. Napakahalaga sa ngayon ang pwesto ng ispiker dahil magsisimula na ang ikatlong panahon sa bansa, ang eleksyon.

Kung sino man ang mga nagbabalak ng mga posisyon ay kinakailangan ng pera upang patakbuhin ang kanilang balakin para sa susunod na halalan. Sa tagal ng mga politikong ito sa larangan ng eleksyon, ngayon pa lang kailangan na ang paghahanda at para kay Cayetano ang pananatili sa pagka ispiker ang pinaka malaking simula ng paghahanda.

Hindi man aminin malinaw na ibig ni APC maging pangulo ng bansa kaya’t ang galaw nito’y talagang kalkulado na napasakay maging ang mga kasama sa Kongreso. Ang kunwaring pagbibitiw ay isang gambit kung baga sa chess at maayos niya itong nailatag.

Si Ispiker Alan, hindi pa man matanda ay isa ng tahirang tinali sa larangan ng politika. Ang mga karanasan nito ang magsasabi kung anong uri ng politiko ito.



Ang mga politikong lokal ng Taguig ay nagsitiklupan at kontrolado na ng pamilya Cayetano ang halos lahat ng matataas na pwesto sa siyudad na ito. Huwag natin kalimutan na kung paano ito nakisayaw sa mga naging pangulo ng bansa maging kakampi o oposisyon.

Magaling na sugarol ito sa larangan ng politika at nagagamit ang mga tao o institusyon sa kanyang paglalaro na karaniwan ng natatayuan kahit anong lakas ng unos. Alam niya kung kailangan mag fold o mag bet, nang ‘di magalusan ang kaban para sa susunod na laban.

Sa kaganapan ngayong pandemya, malinaw na ang Ispiker ng Kamara’y walang ibang nasa isip kung hindi ang mapanatili ang pwesto. Sariling kapakanan lang at hindi sumagi sa isip si Juan Pasan Krus na tunay na talagang nagdurusa.

Walang usapan na dapat tuparin dahil parehong politiko, na ang dapat lang sundin ang interes na pansarili at hindi ang para sa iba. Ikaw naman Lord Velasco nagkasundo na tayo bakit kailangan pang tuparin?

Sa lahat ng politikong kakampi o’ kalaban ng kasalukuyang ispiker huwag kalimutan ang kanyang asal na sa malao’t madali inyong haharapin ang ganitong pag-uugali niya na sariling interes ang una bago ang iba.

Marahil basado na ito ng mga kasama, lalo na nina Polong at Inday Sapak, subalit mukhang sa zarzuela, kasama ang puno ng Balite sa Malacanan na niluluhuran ng husto ng Lider ng Kamara.

Pero paka iingat kayo, kung ang minamataan ninyo ay ang 2022, baka mag-iba ang ihip ng hangin at kayo ang lapain. Huwag ninyong alisin sa isip na sa larangan na inyong ginagalawan, dog eat dog.

Kay Polong at Inday Sapak, maging kay Bongoloid sinimulan na ni Ispiker ang laban kaya’t maghanda na kayo dahil nakuha na nito ang bilang ng mga Tongreso na nagpanatili sa kanya sa pwesto.

At kung kasama man si Totoy Kulambo sa zarzuela hindi ito nangangahulugan na ito’y utang na loob at bagkus baka si TK pa ang mabaligtad nito at lumabas na ito ang may utang na loob.

Maaring isang indikasyon na ang ipinagkaloob ng 186 na tongresman na ipagpatuloy ni APC ang pagiging ispiker ay dahil sa kasalukuyang kalusugan ng inyong ama at siempre ang kanilang mga bulsa.

Ang laban ngayon sa tongreso’y ‘di laban ni Lord V, kundi laban ni Inday Sapak at ni Ispiker. Panoorin natin ang mga paghahandang nagaganap kung paano maglalaslasan ng leeg ang bawat grupo para sa 2022.

Kay Juan Pasan Krus, magmasid at magbantay tayong muli, at pagkaisipan natin na ang 2021 ay paghahanda para sa 2022, ang pagbabalik muli ng demokrasya sa bansa, tama po ba ito VP Leni?

Patuloy nating ipagdasal ang ating bansa na malagpasan ang pagsubok na ito, gayun na rin ang ating mga obrerong pangkalusugan. Salamat.

***

dantz_zamora@yahoo.com