Advertisers

Advertisers

Guidelines sa PBA bubble ikinakasa na

0 213

Advertisers

Pinaghahandaan na ang mga guidelines para sa posibleng pagbubukas muli ng laro ng Philippine Basketball Assocation (PBA) ngayong buwan.
Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na hihintayin na lamang ang pinal na resolusyon sa nasabing usapin.
Sang-ayon naman ang DOH sa plano ng PBA na mas istriktong magpatupad ng protocol sa kanilang bubble sa Clark, Pampanga sa ginawa naman ng NBA sa US.
Ang mga manlalaro ay sasailalim sa RT-PCR test at iba pang staff limang araw bago pumunta sa bubble site.
Bukod pa sa regular na swab test kapag nasa loob ng sports facility, shuttle service at hiwalay na dormitoryo.
“It is really much stricter nang makita natin or comparing to NBA… ‘yan yung mga binigay nilang kondisyon so that they can enforce the minimum health standards and ensure that the players are safe.” ayon kay Vergeire.
Dagdag pa ng opisyal na istrikto ding imomonitor na hindi magkakaroon ng lapses sa mga protocol na ipinatutupad ngayon. (Jocelyn Domenden)