Advertisers

Advertisers

Go sa DOTr: Marami pang ruta buksan na sa transport sector

0 269

Advertisers

NANAWAGAN si Sen. Bong Go sa Department of Transportation (DOTr) at sa mga attached agency nito, partikular sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na buksan na ang marami pang ruta para sa mga pampublikong tsuper na nawalan ng kita dahil sa COVID-19 pandemic.

Hiniling din niya sa DOTr at LTFRB na pabilisindin ang mga nakabimbing aplikasyon sa prangkisa sa ruta ng public transportation para mapalakas ang trabaho at ekonomiya ng public utility vehicle drivers sa buong bansa.

“Nawala po ang kanilang hanapbuhay, I urge the DOTR and the LTFRB, to extend assistance and open more routes para mas matulungan natin ang ating mga drivers na naghihirap,” aniya.



“Huwag na po natin pahirapan ang mga naghihirap. To the LTFRB, please also fast track all of the pending applications of franchises and routes para mas dumami ang mabigyan ng trabaho sa ating mga kababayan,” dagdag ng senador.

Gayunman, dapat ding magpokus ang DOTr sa kaligtasan ng commuters.

“Hindi pa po tapos ang laban. Andyan pa rin po ang banta ng pandemyang ito. Kaya hinihikayat ko ang DOTr at ang ating mga kababayan na huwag maging kampante,” ani Go.

“Sumunod tayo sa mga health protocols issued by the DOH, lalo na ang pagsuot ng masks and social distancing. Balansehin din po natin ang kapakanan ng ating mga drivers ng public transport, marami po sa kanila ay ang nawalan ng mga ruta,” ani Go.

Kaugnay nito, suportado ni Go ang panukalang 2021 budget ng DOTr at pinuri ito sa naging mahalagang kontribusyon sa pagsisikap ng pamahalaan na maiuwi sa kani-kanilang lalawigan ang mga stranded Filipinos locally and abroad.



“Napakaimportante po na makasama natin ang ating mga mahal sa buhay sa panahon ng pandemya. The DOTr also instituted reforms in our public transportation system to adjust to the new normal,” ani Go. (PFT Team)