Advertisers

Advertisers

Covid update: 459 gumaling; 62 nasawi; 2,674 bagong kaso

0 498

Advertisers

UMAKYAT na sa 319, 330 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,674 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon nitong Sabado, Oktubre 3.
Sa nasabing bilang, 58,606 ang aktibong kaso.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 865 bagong kaso.
Sinundan ito ng Region 4A na may 567 at Region 6 na may 157
Nakapagtala naman ang DOH ng 459 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 255,046 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 62 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,678 na ang kabuuan.
May 22 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 11 dito ay recovered cases.
Samantala may 19 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)