Advertisers
IPATITIGIL ng Department ofL Transportation (DOTr) ang paggamit ng Beep card sa Edsa Busway kung hindi gagawing libre ang Beep Cards.
Sinabi ni Asec. Goddess Hope Libiran, tagapagsalita ng DOTr, na dismayado si Sec. Arthur Tugade na ibinebenta ang beep cards dahil dagdag gastos ito sa mga commuters.
Bukod dito, nais din ipatupad ng DOTR ang No minimum load at No
convenience fee.
Sa ngayon ay under negotiation pa umano ang pakiusap ng DOTR sa private company na nagbebenta ng beep card na gawing libre ang beep card.
Sakaling hindi umano ito mapagbigyan ay mapipilitan ang DOTr na ipatigil ang paggamit ng beep card at maghanap ng bagong supplier ng beep cards.
Dagdag pa ni Libiran, ngayon panahon ng pandemic lang naman nila hinihiling na ilibre ang beep cards upang hindi na ito makabigat pa sa mga commuters.
Sa susunod na linggo ay maglalabas umano ng memorandum circular ang ahensya upang mas mailatag ang mga polisiya sa paggamit ng cashless payments. (Jonah Mallari)